Muling natalo ng bansang New Zealand ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) virus, sa ikalawang pagkakataon.
Ito ang idineklara mismo ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern Kasabay ng pag-aanunsyo ng pinaluwag nang restriksyon sa Auckland City.
Ayon kay ardern, muling nagtagumpay ang mga aucklanders at New Zealanders sa pagpapatupad ng plano laban sa COVID-19.
Ito ay sa kabila aniya ng tila napakahaba nang pakikipaglaban ng lahat sa virus.
Buwan ng mayo ng unang makontrol ng New Zealand ang pagkalat ng COVID-19.
Gayunman ibinalik ang lockdown noong agosto nang magkaroon muli ng bagong cluster ng virus sa Auckland.