Niyanig ng magnitude 7 .1 na lindol ang ilang bahagi ng New Zealand kaninang umaga.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 169 na kilometro hilagang silangan ng Gisborne.
Agad naman pinalikas ang mga residenteng naninirahan malapit sa Tolaga Bay.
Ilang pinsala sa ari-arian ang napaulat ngunit wala namang naitalang casualty sa naturang pagyanig.
By Ralph Obina