Tumama ang tatlong malalakas na lindol sa New Zealand.
Ang pinakahuling naramdaman ay ang pagtama ng magnitude 8.1 na lindol sa silangang bahagi ng North Island.
Ito’y ilang minuto lamang matapos maramdaman ang pagtama ng 7.4 magnitude na lindol sa kaparehas na lugar.
Una rito, naramdaman ang 7.2 magnitude na lindol, 900 kilometro ang layo sa silangang bahagi ng North Island.
Dahil dito, naglabas ng tsunami warning ang New Zealand’s National Emergency Management Agency.
Pinalilikas na ang mga residente malapit sa karagatan kung saan kabilang ang mga residente sa Bay of Islands hanggang Whangarei, mula Matata hanggang Tolaga Bay kasama na rin ang Whakatane at Opotiki at Great Barrier Island.
Samantala, tiniyak naman ng PHIVOLCS na walang banta ng tsunami sa Pilipinas.