Naniniwala si New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na kailangang imbestigahan ang mga serye ng mga pagpatay kaugnay sa iligal na droga sa bansa.
Ito ay ayon kay Ardern, bagama’t ilang beses na aniyang nabigo at hindi pinakinggan ng administrasyong Duterte ang tangka ng ilang mga international communities na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa nasabing usapin.
Dagdag ni Ardern, kahit sinong bansa ay magpapahayag ng pagkabahala sa mataas na bilang ng mga naitatalang nasasawi sa Pilipinas kapalit ng kampanya kontra iligal na droga.
Giit pa ni Ardern, hindi aniya ito ang inaasahang makita ng New Zealand bilang dialogue partner at national member ng isang international community.
Una nang inihayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na kanilang tinalakay ni Pangulong Duterte sa bilateral meeting ang usapin sa human rights at EJK sa bansa.
SMW: RPE