Kontrolado na ang newcastle disease o avian pest na nakapatay na sa libu-libong manok sa ilang bahagi ng bansa.
Binigyang diin ito ni Agriculture Undersecretary for Livestock Jose Reaño na nagsabi ring nakatulong ang mainit na panahon para hindi na kumalat pa ang nasabing sakit.
Tiniyak ni Reaño ang pagsasagawa ng programa sa susunod na linggo para makatulong na tuluyang mapigil ang outbreak ng newcastle disease.
Kasabay nito, siniguro rin ni Reaño ang sapat na supply ng manok sa merkado.
By Judith Larino