Umabot na sa Palawan ang newcastle disease.
Ito ang kinumpirma ng Palawan Provincial Veterinary Office kung saan ay nagpakita anila ng sintomas ng newcastle disease ang mga manok sa lalawigan bago mangamatay ang mga ito.
Kabilang sa mgan apektadong bayan ay ang Lledo, Limsan, Culion at Linapacan.
Ayon sa ulat, nakaranas ang mga alagang manok sa naturang mga bayan ng pagkahingal, ubo, depresyon, panghihina, pagkalagas ng mga balahibo at pagkaparalisa bago mamatay ang mga ito.
Dahil dito, nakaalerto na ang binuong task force na tinawag na emergency response on newcastle disease laban sa naturang sakit.
By Ralph Obina