Kinondena ng Al Jazeera ang umano’y pag-atake ng Israel sa funeral procession ng yumaong journalist na si Shireen Abu Akleh.
Ayon sa news network, ang ginawa ng Israeli forces ay tahasang paglabag sa ‘international laws’.
Ayon sa ulat, nakunan pa ng video footage ang panggugulpi ng mga awtoridad sa mga dumalo sa prusisyon na naging dahilan upang mahulog ang kabaong ng biktima.
Matatandaang napatay ng Israeli forces si Akleh habang kino-cover ang umano’y pag-atake ng mga ito sa isang refugee camp sa West Bank.