Muling pupulungin anumang araw ngayong linggo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Food Authority, Department of Agriculture, mga rice traders at magsasaka.
Kaugnay pa rin ito sa kakulangan ng suplay ng NFA rice sa merkado.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, na posibleng dito na rin ihayag ni Pangulong Duterte ang kanyang desisyon kung ibabalik ba ang NFA Council sa DA o mananatili ito sa ilalim ng Office of the President.
Ito na ang pangalawang pagpupulong ng grupo kay Pangulong Duterte na unang isinagawa nuong ika – lima ng Abril.