Kaagad ilalabas sa merkado ngayong linggo ang mga inangkat na bigas mula sa Thailand at Vietnam.
Ito ayon kay National Food Authority o NFA Spokesman Rex Estoperez ay kapag naayos na nila ang mga dokumento kaugnay sa mga dumating nang bigas sa Subic at Surigao.
Sinabi sa DWIZ ni Estoperez na nasa 220,000 bags ng bigas ang nasa Subic na at 100,000 bags naman sa Surigao.
“Ang unang bugso ay dumating sa Subic at Surigao, Mindanao area. Inaayos na lang po ang mga papeles, pagkababa niyan diretso po ‘yan sa mga merkado.” Ani Estoperez
Dahil dito inaaasahang makakabili na ng NFA rice sa merkado anumang araw sa linggong ito.
Sinabi ni Estoperez na nasa biyahe na ang iba pang inangkat na bigas at bago mag-June 15 ay maibababa na rin sa Pilipinas ang kabuuang bilang ng mga inangkat na bigas.
“Ang iba pang parating na bigas lalong-lalo na sa Metro Manila ay nasa laot na po within this week may mararamdaman na tayong NFA rice sa mga pamilihan.” Pahayag ni Estoperez
(Ratsada Balita Interview)