Pinawi ng NFA o National Food Authority ang pangamba ng publiko kaugnay sa napapabalitang pagtaas ng presyo ng bigas kasunod ng implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN.
Sinabi ng NFA na mananatili sa 27 pesos kada kilo ang presyo ng regular – milled rice at 32 pesos naman sa kada kilo ng well – milled rice.
Dagdag pa ng NFA, wala namang shortage sa suplay ng bigas kaya walang dahilan para itaas ang presyo nito.
Kaugnay nito, binalaan ng NFA ang mga rice trader na mananamantala at magtataas ng presyo ng mga bigas.