Aprubado na ng National Food Authority (NFA) ang agarang importasyon ng 133,500 metric tons ng bigas para sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi (Zambasulta).
Ito’y upang maibsan mataas na presyo at manipis na supply ng bigas sa mga naturang lugar.
Ayon sa NFA nakatakda ang delivery ng unang batch na 33,500 tons sa Setyembre 15 hanggang Setyembre 30 habang sa Oktubre 31 at Nobyembre 30 ang nalalabing 100,000 metric tons.
Maglalaan din ang ahensya ng karagdagang rice stocks sa Zambasulta upang magkaroon ang mga consumer ng mas maraming pagpipilian ng mura at magandang kalidad na nfa rice sa presyo ng P27 kada kilo.