Pina-a-audit ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang NFA o National Food Authority para tiyaking nasusunod ang patakaran ng gubyerno sa maayos na pamamahagi ng bigas sa gitna ng kakapusan nito.
Ayon sa kalihim, bagama’t mayruon namang sapat na suplay ng bigas para sa mga konsyumer, hindi naman ito umaabot sa publiko dahil naibebenta ng NFA ang stocks nito sa mga retailers.
Pero giit ni Piñol, sobra-sobra pa rin ang inaaning palay sa Pilipinas para sa pangangailangan ng mga Pilipino pero hindi pa rin puwedeng ideklara ang rice self-sufficiency nito.
Posible aniyang maitala ang pinakamataas na buffer stock sa bigas ng Pilipinas sa pagpasok ng ikalawang bahagi ng taon o sa buwan ng Abril.
Pero aminado si Piñol na hindi nararamdaman ng publiko ang masagang ani ng mga magsasaka dahil kontrolado ng mga negosyante ang food chain o ang takbo ng pagkain mula sa bukid hanggang sa mga pamilihan.
Posted by: Robert Eugenio