Itinanggi ng National Food Authority o NFA na mayroong pekeng bigas sa Western Visayas.
Ito ay matapos na kumalat ang mga ipormasyong ibinibentang fake rice umano sa mga palengke sa rehiyon.
Ayon sa NFA Region 6, wala naman silang natatanggap na reklamo kaugnay sa mga sinasabing pekeng bigas.
Kasabay nito, tiniyak ng ahensya na mahigpit ang ginagawa nilang monitoring upang hindi mapasok ng pekeng bigas ang rehiyon at maprotektahan ang mga mamimili.
By Ralph Obina
NFA itinangging may fake rice sa Western Visayas was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882