Maaari nang magbenta ng bigas ang National Food Authority ngayong linggo o sa susunod na linggo.
Ito’y makaraang simulan na ng NFA ang pagdiskarga ng 220,000 sako ng mga bigas mula sa Vietnam na dumating sa Subic Bay Freeport nuong Hunyo 25.
Ayon kay NFA Spokesman Rex Estoperez, mabibili lamang sa halagang 27 Piso hanggang 35 piso Ang halaga ng naturang imported rice.
Magugunitang ang masamang panahon ang naging dahilan ng pagka-antala ng unloading at delivery ng mga naturang bigas.