Pumapalo sa P700-M ang inilaang pondo ng National Food Authority (NFA) para bumili ng palay sa mga magsasaka sa Bicol Region.
Ayon kay Henry Tristeza, director ng NFA Bicol posibleng maglaro sa 10 hanggang 19 na piso ang halaga ng kada kilo ng palay depende na rin sa kalidad ng mga ibebentang palay ng mga magsasaka.
Samantala madaragdagan ng lima ang walong NFA stations sa probinsya simula sa Oktubre hanggang Disyembre.
Nauna nang inireklamo ng mga magsasaka ang mababang bilihan ng mga aning palay nila dahil sa pagpasok sa bansa ng mga imported na bigas.