Umaasa ang NFA o National Food Authority na posible pang magkaroon ng epekto sa presyo ng mga commercial rice sa merkado ang pagdiskarga sa nalalabi pang 250,000 toneladang iniangkat na bigas ng ahensiya.
Kasunod na rin ito ng pag-amin ng NFA na hindi nakatulong ang pag-angkat nilang bigas para mapababa ng presyo ng mga commercial rice dahil na rin sa paunti-unti lamang na pagdiskarga sa mga ito.
Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, halos dalawang buwan nang nakatengga sa Subic Bay Freeport ang mga iniaangkat na bigas ng pamahalaan mula Thailand at Vietnam bunsod naman ng sama ng panahon.
Dahil dito, sinabi ni Estoperez na nabigo silang ma-sarurate o bahain ng mga suplay ng NFA rice ang mga pamilihan.
“Tag bagyo naman ang pagdating ng bigas so nag doble-doble po yun so ang nangyari, kumbaga hindi na-sarurate yung market para mababa yung presyo ng ating commercial rice so medyo masalimuot siya pero ang intindi lang natin na, kumbaga tulad kasi dati na sinasabi natin na ang NFA, dahil mataas ang presyo ng commercial rice at demands, mag we-ware flat sa market dahil yung sa bigas ng ating mga merkado para mahila ang presyo ng bigas pababa kaso lang ngayon, wala naman tayong pangtustos diyan atsaka ang napaka unusual po ngayon, yung presyo ng palay noong tag-ani ay sobrang taas.”
(From Mag-Usap Tayo interview)