Nakatakdang mag-angkat ng bigas ang National Food Authority o NFA sa unang semestre ng susunod na taon.
Ayon kay NFA Administrator Renan Dalisay, aabot sa 900 metriko toneladang bigas ang aangkatin ng Pilipinas mula sa mga bansang Vietnam at Thailand.
Una nang nag-angkat ang Pilipinas ng 500 metriko toneladang bigas ang Pilipinas sa mga nabangit na bansa at inaasahang darating ito mula Enero hanggang Marso ng susunod na taon.
Habang pag-uusapan pa ang ng National Economic Development Authority o NEDA Food Security Council ang karagdagang 400 metriko toneladang bigas na aangkatin ng bansa sa taong 2016.
By Jaymark Dagala