Nanawagan ang National Food Authority o NFA sa publiko na tigilan ang pag-ho-hoarding o pag-iimbak ng NFA rice para sa pansariling interes.
Ayon kay NFA Director Rex Estoperez, ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang iba na makabili ng murang bigas.
Paliwanag ni Estoperez bumibili kasi ang ilang mamimili ng maraming kilo ng NFA Rice at saka ito ibinebenta sa mas mahal na presyo kumpara sa Suggested Retail Price na 27 Piso hanggang 32 Piso.
Dahil dito may ilang lugar na aniya ang naglilimita sa limang kilo kada tao na ibinebentang bigas.
Ngunit sa kabila nito ay nakagagawa pa rin ang iba ng paraan para makapag-imbak ng kanilang NFA rice.
—-