Nanindigan ang NFA o National Food Authority na walang kinalaman ang ahensya sa pagkakasibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang undersecretary ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco.
Ayon kay NFA Spokesperson Marietta Ablaza, hindi iminungkahi ni NFA Administrator Jason Aquino ang pagtanggal sa pwesto kay Halmen Valdez.
Matatandaang pinaboran ng Pangulo ang NFA administrator na una nang nagpasyang huwag paliwigin ang pag-angkat ng bigas sa ilalim ng minimium access.
Volume scheme kung saan mababang buwis lamang ang ipapataw sa mga aangkating partikular na dami ng produktong agrikultural.
Nagkaroon noong isang buwan ng tensyon sa pagitan ng NFA at tanggapan ni Evasco na una nang nagbigay ng direktiba hinggil sa pag-aangkat ng bigas.
By Avee Devierte