Planong kasuhan ng isang consumer group sa Office of the Ombudsman ang NFA o National Food Administration.
Iginiit ng National Coalition of Filipino Consumers o NCFC na ipinagbabawal ng batas ang paggamit ng NFA ng pribadong pasilidad bilang transit hub sa mga ina angkat na bigas.
Ayon kay Bency Ellorin, Spokesperson ng NCFC, maituturing na economic sabotage ang paggamit ng NFA sa Harbour Center Port Terminal Inc o HCPTI bilang transshipment point para sa bigas.
Sinabi ni Ellorin na sa ilalim ng panununtan, tanging ang ICTSI at South Harbor Center lamang ang pinapayagan ng pamahalaan bilang transhipment hubs para sa inangkat na bigas.
Ipinasisilip rin ng NCFC ang mga alegasyon na mayroong smuggling activities sa loob ng harbor center.
Hinamon ni Ellorin ang NFA na isapubliko ang permit na ibinigay nito sa Harbour Center Port Terminal Inc makaraang lumabas ang report na mayroong mga bigas na naka-imbak sa terminal kahit walang clearance ang NFA.
By Len Aguirre