Kapwa iginiit ng Department of Agriculture at ng NFA o National Food Authority na walang rice shortage o kakapusan sa suplay ng bigas sa buong bansa.
Ito ang inihayag nila Agriculture Secretary Emmanuel Piñol at NFA Administrator Jason Aquino sa ginawang pagdinig ng House Committee on Food and Agriculture kahapon.
Binigyang diin ni Aquino na ang tanging kinakapos sa ngayon ay ang mura o abot kayang bigas para sa mga mahihirap na Pilipino.
Dagdag pa ni Aquino, nuon pa aniyang isang taon pa sila nagbabala hinggil sa nagbabadyang kakapusan sa suplay ng NFA Rice subalit hindi pa naaaprubahan ang kanilang hirit na replenishment mula nuong Oktubre hanggang Disyembre at Enero ng kasalukuyang taon.
DWIZ Patrol Reporter Jill Resontoc
Posted by: Robert Eugenio