Maaari nang makabiling muli ng NFA rice sa mga pamilihan sa Hunyo.
Ito ang inanusyo ni Rex Estoperez, tagapagsalita ng National Food Authority na magsisimula na sa Hunyo 5 ang pagbabagsak ng mga bigas ng NFA sa mga palengke.
Ayon kay Estoperez, maglalaro sa dating P27 hanggang P32 kada kilo ang presyuhan ng nasabing bigas at tiniyak na walang pagtaas sa presyo na ipatutupad.
Magugunitang nag-angkat ang NFA matapos maubusan ng supply dahil sa hindi umano makabili sa mga lokal na magsasaka.
Samantala, tiniyak naman ni Estoperez na sa oras na matatag na ang supply ng bigas sa merkado ay kanila namang sunod na tutukan ang mandatory buffer stock ng NFA.
—-