Pinilahan ng nasa isanlibo (1,000) katao ang NFA Rice sa palengke sa Baguio City.
Kabilang sa mga nagtiis sa mahabang pila ang mga senior citizen na hindi alintana ang paghihintay para lamang makabili ng murang bigas.
Noong Miyerkoles kasi may ilan nang hindi nakabili ng murang bigas kaya’t dinagdagan na ng NFA ang kanilang outlet sa palengke ng Baguio City ngayong araw.
Matatandaang sinabi ng NFA nababalam ang delivery ng kanilang mga murang bigas na inangkat ng pamahalaan dahil sa masamang lagay ng panahon.
—-