Sapat ang bigas na National Food Authority (NFA) para sa suplay ng kadiwa store ngayong Holiday season.
Ito’y matapos pangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pag-inspeksyon sa warehouse ng NFA sa Valenzuela City.
Tiniyak ni Pangulong Marcos na may sapat na suplay ng bigas kung saan mabibili sa murang halaga sa lahat ng Kadiwa outlets.
Kailangan anya na higpitan ang pag-monitor sa suplay ng bigas dahil sa posibleng epekto nito sa produksyon.
Samantala, binigyang-diin ng Pangulo na tutugunan ng gobyerno ang problema hinggil sa suplay ng sibuyas.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla