Hindi magtataas ng presyo ang National Food Authority sa kanilang NFA rice.
Ayon sa ahensya, mananatili sa bente siete pesos (P27) at trenta’y dos pesos (P32) ang kada kilo ng NFA rice sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Base anila ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng NFA na huwag magtaas ng presyo ng bigas na galing sa ahensya.
Ngayong papasok na ang panahon ng tag-ulan, pinaghahandaan na ng NFA na mapunan ang kanilang buffer stock para may magamit sa pagtama ng kalamidad gaya ng bagyo.
—-