Pinayuhan ng National Food Authority o NFA ang publiko na bumili lamang ng bigas sa mga accredited retailers upang makasigurong ligtas ang kanilang kinokonsumong bigas.
Sa harap ito ng reklamo hinggil sa umano’y fake rice na kalaunay napatunayan din ng ahensya na walang pekeng bigas batay sa kanilang ginawang pagsusuri sa mga rice samples.
Ayon sa NFA, mainam din kung bumili ng bigas sa mga suki o pinagkakatiwalaang mga tindahan.
Sinabi pa ng ahensya na ugaliin ding kilatisin ang mga bibilhing bigas at tiyaking walang amoy ang mga ito.
Anumang kahinahinala o kakaibang amoy sa bigas ay maaaring ipasuri sa NFA Food Development Center.
By Ralph Obina
NFA sa publiko: Bumili ng bigas sa mga suking tindahan was last modified: June 24th, 2017 by DWIZ 882