Muling tiniyak ng National Food Authority o NFA na sapat ang suplay ng bigas sa bansa.
Ayon kay NFA Administrator Jason Laureano Aquino, dumating na sa bansa ang inangkat na dagdag na pang-imbak na bigas mula abroad.
Aniya, kailangan lamang na punan ng mga imported rice ang buffer stock ng ahensya upang hindi kulangin sa oras na makaranas ng kalamidad ang bansa.
Sinasabing nasa imbakan na ng NFA ang 250,000 metric tons ng government rice imports o 82.16% habang ang 15.44% ay nasa daungan na.
Nakalaan naman sa mga calamity-prone area sa bansa ang iba pang imbak na bigas at gayundin sa panahon ng lean months mula Hulyo hanggang Setyembre.