Nilinaw ng National Food Authority o NFA na walang magiging epekto sa suplay ng NFA rice ang pagkakabasa sa mga sako-sakong bigas na kanilang inangkat.
Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, kung susumahin aniya ay nasa .001 o wala pa sa isang porsyento ng kabuuang bilang ng mga inangkat ang mga nabasang bigas.
Dagdag pa ni Estoperez, hindi rin babayaran ng ahensiya ang mga nabasang bigas dahil sagutin pa ito ng importer.
Nakahanda rin aniya ang importer na palitan ang mga nabasang bigas.
Sa kasalukuyan nasa limampung libong (50,000) sako ng bigas na ang naibaba habang meron pang dalawang daan ang limampung libong (250,000) sako ang hinihintay pang madiskarga sa Subic Free Port.
—-