Tinatayang aabot na sa tatlong milyong kaban ng palay ang nabili ng NFA o National Food Authority mula sa mga lokal na magsasaka.
Ito’y ayon kay NFA Adminsitrator Tomas Escarez ay kahit na hindi masyadong maganda at marami ang ani sa ilang lugar sa bansa bunsod ng El Niño.
Dahil dito, sinabi ni Escarez na tuloy pa rin ang NFA sa pamimili ng bigas sa mga magsasaka para maging buffer stock nito.
Sa kasalukuyan, nasa 20 pesos kada kilo ang buying price ng NFA kasama na ang incentive para sa mga magsasaka na mas mataas kung para sa 17 hanggang 18 piso kada kilo sa labas.