Mananatiling bukas ang mga tanggapan at warehouse ng National Food Authority (NFA) ngayong Semana Santa.
Ito ang tiniyak ni NFA Administrator Judy Carol Dansal para sa tuloy-tuloy na pagpapalabas ng mga bigas na kinakailangang ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development at ng mga LGU’s sa mga apektado ng enhanced community quarantine.
Ayon kay Dansal, kanya nang inatasan ang lahat ng Nfa regional directors at provincial managers na panatilihing bukas ang kanilang mga tanggapan at opisina sa loob ng Lenten Season kabilang ang Huwebes Santo hanggang linggo ng pagkabuhay.
Iniimbestigahan na ng Overseas Workers Welfare Administration ang ulat na ilang mga manning agency ang sapilitang nagpapaalis ng mga ng mga Filipino seafarers na sumailalim sa 14 day self-quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, kanyang ikinagulat ang aniya’y walang awang naging aksyon ng mga nabanggit na manning agency.