Nag-negatibo sa fake grains ang mga sample ng pinaghihinalaang pekeng bigas batay na rin ito sa pagsusuri ng NFA o National Food Authority sa may anim na rice samples.
Dahil dito, sinabi ni NFA Administrator Jason Aquino na malinaw na walang fake rice sa Pilipinas.
Umapela din si Aquino sa publiko na iwasan ang pagpapakalat pa ng mga pekeng balita.
Matatandaang isang pamilya ang nagreklamo na nakabili sila ng pekeng bigas na naging dahilan ng kanilang pagkakasakit.
By Ralph Obina