Iginiit ng National Food Authority o NFA na wala silang anumang namomonitor na pekeng bigas sa mga pamilihan simula pa noong 2015.
Ayon kay NFA Food Development Center OIC Carmelita Alkuino, hindi “economically viable” kung magbebenta ng fake rice dahil mahal ang isa sa mga ingredient nito na “resin” na kadalasang ginagamit sa paggawa ng plastic.
Sa ngayon anya ay sumaisailalim na sa testing ang labing-isang (11) samples ng hinihinalang fake rice na ipinadala sa kanila ng mga consumer at ilan sa mga na-test ay tunay na bigas.
Ipinaliwanag naman ni NFA-FDC Quality Evaluation Division Chief Research Specialist, Luz Padilla na ang kaning binilog na tumatalbog ay dahil sa mataas na starch content ng butil.
By Drew Nacino
NFA walang namomonitor na fake rice simula pa noong 2015 was last modified: June 21st, 2017 by DWIZ 882