Muling iginiit ng National Fisheries and Aquatic Resources Management Council na walang rason ang Department of Agriculture (DA) para mag-angkat ng tone-toneladang mga isda sa bansa.
Ayon sa naturang grupo, sapat ang suplay ng isda sa unang quarter ng taon dahil may 45,651 metric tons pang suplay ng isda na mula pa sa inangkat noong nakaraang quarter ng taong 2021.
Mula sa nasabing bilang, mayroon pang 22,000 metric tons ang nasa cold storage facility habang mayroon pang 12,000 metric tons ang parating pa lang sa bansa.
Sa naging pahayag ni NFARMC Representative at pangingisda natin gawing tama network co-convenor Dennis Calvan, patapos narin ang closed fishing season kayat posibleng sumabay ang importasyon sa pagbubukas ng mga lugar-pangisdaan. —sa panulat ni Angelica Doctolero