Hinimok ng National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC) ang Department of Agriculture (DA) na bawiin ang Certificate of Necessity to import na inisyu para sa 60,000 metric tons ng isda.
Ayon sa NFARMC, walang dahilan para dagdagan ng DA ang lokal na suplay sa mga i-import dahil ang bansa ay may off-stock volume na katumbas ng 45,651 metric tons at 22,613 metric tons pa ang nasa cold storage.
Dagdag pa ng ahensya, ang panahon ng pangingisda sa Northern Palawan ay nagbukas na noong Enero 31, habang sa East Sulu Sea at sa kalapit na katubigan ay magbubukas sa Pebrero 28.
Iginiit pa ng NFARMC, na humigit-kumulang 1,856 na rehistradong commercial fishing boat para sa maliliit na pelagic fish ang nag-aambag sa direktang trabaho ng humigit-kumulang 120,000 indibidwal.
Ang lokal na pangingisda naman ay nag-aambag ng P100 bilyon sa kabuuang pambansang produkto ng bansa.—sa panulat ni Airiam Sancho