Nakahanda ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na humarap sa imbestigasyon ng senado.
Tiniyak ito ng NGCP matapos maghain ng resolusyon si Senador Risa Hontiveros na imbestigahan ang di umano’y kontrol ng state grid corporation ng China ang nag-iisang kumpanya ng power transmission sa bansa.
40% kasi ng NGCP ang pag-aari na ng state grid corporation ng China at sinasabing may mga Chinese engineers ang nagpapatakbo sa NGCP.
Ayon sa NGCP, technical adviser lamang ang China at hawak pa rin ng mga Pilipino ang management at konrol sa NGCP.
Nakahanda umano silang ipakita sa mga mambabatas ang kanilang pasilidad upang mapawi ang pangamba na maaaring masabotahe ang Pilipinas sa sarili nitong bansa.