Nilinaw ng National Grid Corporation of the Philippines na hindi sila ang makakasagot kaugnay sa kakulangan ng supply ng kuryente sa bansa kasunod ng pagsasabi ng kamara na magsasagawa ito ng imbestigasyon hinggil sa mataas na presyo ng kuryente sa Pilipinas.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza, wala namang naganap na malawakang power outage kaya hindi kailangan ang imbestigasyon.
Dagdag pa ni Atty. Alabanza, wala silang kinalaman sa kakulangan ng electric supply dahil hindi sila ang nagbebenta ng kuryente.
Iginiit din ng ahensiya na, tumatalima sila sa batas hinggil sa pagpapataw ng singil sa kuryente. – Sa panulat ni John Riz Calata