Ilalagay ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Yellow Alert Status ang Luzon Grid mamayang alas-7 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi.
Ito’y dahil sa mababang level ng operating reserves bunsod ng kakulangan ng power supply mula sa generating plants.
Ipinabatid ng NGCP na kaninang alas-9 ng umaga, ang available capacity ay aabot sa 8,324 Megawatts, habang ang demand ay tinatayang nasa 7,528 megawatts.
By: Meann Tanbio