Pinabulaanan ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na nagwaldas ito ng pera para lamang sa mga entertainment at advertising gaya ng iginigiit ni Senator Risa Hontiveros.
Ayon sa NGCP, dumaan sa pagaaral ng energy regulatory commission ang kanilang mga sinisingil na transmission charges bago ito ipasa sa publiko. Nabatid na pinuna ni hontiveros ang umano’y higit sa P1 bilyong ginasta ng NGCP para lamang sa ‘entertainment, adverstising at PR’.
Sa katunayan ayon sa NGCP, matalinong ginasta ang nasabing pondo para sa pagkain ng mga linemen at iba pang staff nito sa pagsasaayos ng mga transmission facilities na pinabagsak ng mga hindi na mabilang na nagdaang bagyo.
Kungsaan ginamit din umano ito para sa transportation allowances at gasoline and mobilization allowances ng mga empleyado.
Hindi rin basta bastang advertising at PR campaign ang ginawa diumano ng NGCP para bigyang aral at babala ang publiko mula mga pagtatayo ng mga istruktura sa ilalim ng mga high-voltage wires, pagsusunog sa ilalim nito at pagbabalewala sa mga paalalang hindi dapat patubuan ng mga matatayog na puno ang ilalim ng mga transmission lines.
Kabilang na ang pagsasagawa ng mga forum para maging aware ang publiko at higit sa lahat ang pagtulong sa mga nasasalanta ng bagyo.