Nakahanda ang 24/7 command center ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa nalalapit na eleksyon.
Ayon sa NGCP, layon nitong matiyak ang suplay ng kuryente sa May 13 midterm elections.
Naka-antabay ang mga technical personnel kabilang ang mga line crew at engineer sa mga substation para rumesponde sakaling magkaroon ng problema sa kuryente ng mga polling precinct.
Tiniyak din ng NGCP na may nakahanda silang contingency plan para agad maaksyunan sakaling maging manipis ang reserba ng kuryente.