Muling tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na sapat ang suplay ng kuryente sa inaasahang pagpasok ng tag-init.
Ayon sa NGCP, walang inaasahang power interruptions maliban na lamang kung magkakaroon ng un-scheduled maintenance shutdown at tataas ang demand sa kuryente nang lagpas sa inaasahan.
Ipinabatid din ng NGCP na aabot sa 9,870 megawatts ang demand sa Mayo.
Gayunman, nananatili sa 11,220 megawatts ang peak supply o katumbas ng 1,000 megawatts na reserve power.
By Drew Nacino