Naghahanda na ang National Grid Corporation of the Philippines dahil sa bagyong Kabayan.
Ayon sa NGCP, kabilang sa kanilang paghahanda ay ang pagtiyak ng mga kagamitan sa komunikasyon, pagkakaroon ng hardware materials at supplies na kailangan para sa mga aayusing pinsala sa mga pasilidad.
Nagtalaga rin ang NGCP ng mga line crew sa strategic areas upang mapadali ang agarang restoration work.
Ikinasa ito ng integrated disaster action plan ng NGCP upang matiyak ang kahandaan ng lahat ng power transmission facilities na inaasahang maaapektuhan ng bagyo.