Nagpapatupad na ng rotational brownout ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa manipis pa ring reserba ng kuryente sa Luzon at pagtaas ng yellow at red alert sa Luzon grid.
Tig-iisang oras ang ikinakasang manual load dropping ng NGCP sa iba’t ibang bahagi ng Luzon simula alas-9 kaninang umaga.
Apektado ng rotational brownout ang Ilocos Sur, Angeles City, Pampanga, Bataan, Batangas, Quezon, Camarines Sur, Sorsogon at Metro Manila.
Sinabi ng NGCP na maaaring makansela ang scheduled rotational browout sa sandaling umayos na ang sitwasyon ng kuryente sa Luzon.