Papanagutin ng mga negosyante ang NGCP o National Grid Corporation of the Philippines.
Ito ayon sa MBC o Mindanao Business Council ay sakaling hindi maprotektahan ng NGCP ang steel towers mula sa mga masasamang elemento na magdudulot ng blackout o kawalan ng supply ng kuryente sa mahabang panahon.
Binigyang diin ni MBC Chairman Vicente Lao na responsibilibad ng NGCP na protektahan ang kanilang transmission lines para matiyak ang power supply patungo sa mga kooperatiba.
Malaki na aniya ang lugi ng mga negosyante sa Mindanao dahil sa sunud-sunod na pagpapasabog sa steel towers ng kumpanya.
By Judith Larino