Pinagmumulta ng mahigit P5-M ng Energy Regulatory Commission (ERC), ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ito’y matapos mabigo ang NGCP na gawin ang naging direktiba ng Department of Energy (DOE) na mangontrata ng reserbang kuryente kung saan, nilabag nito ang Section 7.4 ng Ancillary Services by the System Operator (AS-CSP) policy.
Ayon sa ERC, hindi nakapagsumite ang NGCP ng kanilang Terms of Reference (TOR) at Invitation to Bid (ITB) na isang paglabag sa kautusan ng DOE.
Dahil dito, maaring kanselahin ang kanilang Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) at ang endorsement ng ERC sa kongreso ng revocation ng kanilang legislative franchise.