Tuloy pa rin ang inspeksyon ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa mga lugar na apektado ng blackout matapos ang pagtama ng 6.5 magnitude na lindol sa Leyte.
Ayon sa NGCP, gagamit na sila ngayong araw ng helicopters para mas mapabilis ang aerial patrol sa daan-daang kilometrong linya ng kuryente.
Hindi pa makapagbigay ng katiyakan ang NGCP sa kung kailan maibabalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Kasalukuyang nakakaranas pa rin ng blackout ang mga lalawigan ng Samar, Bohol, southern Leyte at ilang bahagi ng northern Leyte.
By Ralph Obina
NGCP tuloy ang inspeksyon matapos ang lindol sa Leyte was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882