Mga non-government organizations at multilateral institutions ang dapat magpaliwanag kung nasaan ang pondo para sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda noong 2013.
Ayon kay Budget Secretary Florencio Abad, malaking bahagi ng mga ipinangakong tulong ng mga dayuhang bansa at dayuhang organisasyon ang napunta sa mga NGO’s at multilateral institutions.
Sinabi ni Abad na mas malaking bahagi ng mga ipinangakong tulong ang nananatiling pangako pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Aabot sa 24 percent aniya ng pledges o mahigit sa P17 billion pesos ang natupad na pangako subalit P1.2 billion na cash at P1.3 billion na non-cash donations lamang ang napunta sa pamahalaan samantalang ang mas malaking bulto o halos 15 bilyon ang napunta sa NGO’s at multilateral institutions.
By Len Aguirre