Nagkaisa ang National Housing Authority (NHA) at Public Attorney’s Office (PAO) kaugnay sa pamamahagi ng libreng legal assistance sa mga benepisyaryo ng NHA.
Katuwang ang PAO, maglulunsad ang NHA ng People’s Caravan hinggil sa libreng konsultasyon patungkol sa mga usaping batas.
Ang naturang People’s Caravan ay pangungunahan ni NHA General Manager Joeben Tai para mapalapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga benepisyaryo nito.
Habang siniguro naman ng PAO ang suporta nito sa NHA at nangakong sisilipin ang mga proyektong pabahay upang makapaghatid ng mas malawak na konsultasyon sa mga residente.