Binalaan ng National Housing Authority (NHA) ang mga benepisyaryo na iligal na nagbebenta ng housing units.
Batay sa NHA Memorandum Circular 2374, hindi na makatatanggap ng pabahay mula sa pamahalaan ang mga mapapatunayang lumabag sa kasunduan at nagbenta ng kanyang tahanan.
Maliban dito, hindi rin papayagan ng naturang ahensya ang pagpapaupa at pagsasangla ng bahay.
Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, ipinagbabawal ang baguhin, palitan, at ilipat ang karapatang manirahan o magmay-ari higit lalo kung walang kasulatang galing sa ahensya.
Dahil dito, nagpaalala si gm tai na ingatan ang ibinigay na housing units ng gobyerno.