Binira ni Senadora Loren Legarda ang National Housing Authority o NHA dahil sa pagtatayo ng pabahay sa mga lugar na walang mapagkukunan ng pangunahing mga pangangailangan tulad ng kuryente at tubig.
Ayon kay Legarda, hindi dapat magkaroon ng anumang iregularidad sa pagpapatayo ng mga naturang proyekto lalo’t pinaglalaanan aniya ito ng pondo mula sa buwis na binabayaran ng taumbayan.
Kasunod nito, hinamon ni Legarda ang ehekutibo na papanagutin ang lahat ng mga tiwaling indibiduwal dahil sa paggamit ng mga mahihina, substandard at hindi akmang materyales sa pagtatayo ng mga pabahay.
Ginawa ni Legarda ang pahayag sa pagdinig ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement hinggil sa mga nabunyag na iregularidad sa programang pababay at relokasyon para sa mga nakaligtas sa kalamidad.
—-