Desidido ang National Housing Auhtority o NHA na papanagutin ang mga miyembro ng grupong Kadamay na sumugod sa kanilang tanggapan sa Quezon City.
Ayon sa NHA, ito ay dahil sa ginawang paninira ng mga ito sa mga kagamitan nang sumugod ang grupo sa kanilang opisina.
Bukod sa paninira, nag – vandalize pa ang mga miyembro ng Kadamay sa tanggapan ng NHA kahapon.
Sa kabila ng kilos protesta, nanindigan ang NHA na hindi nila i-a-atras ang eviction order na kanilang inihain para lisanin ang mga pabahay na iligal na inokupa ng mga ito sa Bulacan.
By Rianne Briones